Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel bilang haligi ng pagkain ng bayan at lalawigan, itatampok ang mga magsasaka at mangingisda sa 75๐™ฉ๐™ ๐™๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ฃ๐™ฃ๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ๐™–๐™ง๐™ฎ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ ๐™๐™š๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™–๐™ก 2025 ng Occidental Mindoro na may temang โ€œ๐˜ผ๐™‚๐™๐™„๐™†๐™๐™‡๐™๐™๐™๐™„๐™Ž๐™ˆ๐™Š: ๐™๐™–๐™ฉ๐™–๐™  ๐™–๐™ฉ ๐™๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฃ๐™ก๐™ช๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ค๐™ง๐™คโ€. Sila ang isa sa mga pangunahing bibigyan ng pagkilala sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng lalawigan.

Upang matiyak ang tagumpay ng Arawatan Festival 2025, nakipagpulong ang Office of the Provincial Agriculturist (OPA) at Mamburao Municipal Agriculturist Office sa mga barangay officials noong October 27 upang talakayin ang mga aktibidad na inilaan para sa mga magsasaka at mangingisda. Pinangunahan ang talakayan ni Agricultural Technologist Angel May Mendoza ng OPA, katuwang si Municipal Agriculturist Sunshine Singun.

Kabilang sa mga tampok na aktibidad ang:

โ€ข PINAKA Contest (Nov. 9) โ€“ Pagpapakita ng pinakamagagandang ani at produkto mula sa mga barangay

โ€ข Agri-Tourism Trade Fair (Nov. 10โ€“17) โ€“ Pagpapamalas ng yaman ng agrikultura at pangingisda ng lalawigan

โ€ข Agricultural Extension Workers Night at Gabi ng Parangal (Nov. 10) โ€“ Pagkilala sa Outstanding Farmer and Fisherfolks na tatanggap ng โ‚ฑ20,000 bawat isa

โ€ข Tuna Biggest Catch (Nov. 7โ€“12) โ€“ Patimpalak na โ€œone boat, one fish will winโ€ upang itampok ang likas-yaman ng karagatan ng Mamburao

โ€ข Tuna Cooking Contest (Nov. 12) โ€“ Pagpapamalas ng galing sa pagluluto gamit ang lokal na huli

Sa mensahe ni Mayor Atty. E-K Almero, na ipinaabot ni G. Randelle Bool, binigyang-diin niya ang pagkakataon na maipakilala ang Mamburao. โ€œPanahon na upang ipakita ang maipagmamalaki ng Mamburao bilang kabisera ng Occidental Mindoro,โ€ aniya.

Hinimok ni Municipal Agriculturist Sunshine Singsun at ng mga opisyal ng OPA ang buong kooperasyon ng mga barangay ng Mamburao upang maipamalas ang kanilang natatanging produkto at kakayahan.

Dumalo sa pulong ang mga Barangay Chairmen na sina Kap. Susan Bondad (Brgy. 6), Kap. Nena Salvador (Brgy. ๐Ÿ˜Ž, Kap. Ruperto Babiera (Brgy. 5), Kap. Isagani Limos (Tangkalan), Kap. Ma. Nenita Concepcion (Fatima), at Kap. Manuel Alastre at Barangay Secretary Renante De Luna (Tayamaan). Kasama rin ang mga kinatawan ng ibang barangay na sina Kag. John Ryan Mariano (Brgy. 2), Kag. Ulysses Peralta (Brgy. 7), Kag. Benjie Watiwat (Balansay), at ABC Sec. Paula Mae Paquibot.

Sa huli, ang Arawatan 2025 ay magsisilbing entablado para sa mga tagapagtaguyod ng buhay, kabuhayan, at kinabukasan ng bayanโ€”ang mga magsasaka at mangingisda.

#AgrikulturaNaman#MamburaoNaman#BayangMaipagmamalaki