MAMBURAO, OCCIDENTAL MINDORO — Isang libreng eye examination ang isagawa kasabay ng selebrasyon ng National Elderly Filipino Week sa bayan ng Mamburao, October 7. Bukod sa mga senior citizens na lumahok sa selebrasyon, mayroon din mga kabataan na nagpa-check up ng kanilang mata.
Ang libreng computerized eye examination ay pinangunahan ni 𝑫𝒓. 𝑲𝒊𝒎𝒃𝒆𝒓𝒍𝒚 𝑫𝒊𝒂𝒏𝒆 𝑺𝒖𝒑𝒆𝒕𝒓𝒂𝒏 kasama ang kanyang team na sina Efren Alado Jr., Benster Figuiroa, Cathleen Joy Ligcuban, at Cathrine Boja mula sa 𝑬𝒚𝒆𝒕𝒆𝒄𝒉 𝑫𝒆𝒔𝒊𝒈𝒏 𝑶𝒑𝒕𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 ng Tayabas City, Quezon. Layunin ng grupo na maabot ang mga komunidad sa iba’t ibang panig ng bansa upang maghatid ng serbisyong optikal sa mga nangangailangan.
Layunin naman ng Pamahalaang Bayan na maging accessible ang optical health services lalo na sa mga walang kakayanang pinansyal. Magandang balita naman ito para sa mga apektado na ang mata dahil sa labis na paggamit ng gadgets at mga nagta-trabaho sa ilalim ng matinding sikat ng araw.
#KalusuganNaman#SeniorsNaman#MamburaoNaman#BayangMaipagmamalaki







