Mamburao, Occidental Mindoro โ€” Ilang pamilya ng aktibong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Mamburao ang sumailalim sa orientation at validation ng Department of Migrant Workers (DMW) para sa Quick Action Program, October 27, na layong magbigay ng tulong-pinansyal sa mga naapektuhan ng bagyo noong Hulyo 2025.

Ayon kay LaO I Jenny May M. Ulpindo ng DMW Regional Office-Calapan, nakatuon ang programa sa mga kamag-anak ng aktibong OFWs na nasa ibang bansa at naapektuhan ng nagdaang bagyo. Target ng DMW ang 203 benepisyaryo mula sa ibaโ€™t ibang barangay sa Mamburao, kung saan bawat kwalipikadong pamilya ay maaaring tumanggap ng hanggang โ‚ฑ5,000 na tulong-pinansyal.

Ang listahan ng mga benepisyaryo ay batay sa datos na isinumite ng PESO Mamburao matapos ang pananalasa ng mga bagyo na nagbunsod ng deklarasyon ng state of calamity sa bayan noong July.

Ayon kay LYDO & PESO Focal Person Jenny Villar-Esperanza, apat (4) na bayan lamang sa lalawigan ng Occidental Mindoro ang nabigyan ng ganitong programa mula sa DMW โ€“ Abra, Mamburao, Sta. Cruz, at Sablayan, kung saan Mamburao ang may pinakaraming bilang ng beneficiaries na 203. Naging katuwang nya sa paggabay sa mga kapamilya ng OFWs si LaO II Samuel Mendoza.

โ€œMaraming salamat po sa DMW dahil sila po ang nagbigay ng assistance sa ating mga OFWs na ang pamilya ay naapektuhan ng bagyong Crising, Dante, at Emong. Sa ngayon po ay validation ang ginagawa ng DMW at sana po ay maibigay din po agad ang kanilang assistance. Ito po ay sa pangunguna ni Mayor Atty. E-K Almero,โ€ ani Villar-Esperanza.

Dagdag pa niya, ang mga nasa listahan ng beneficiaries ay mula sa barangay na isinumite sa dating PESO Focal Person na si Samuel Mendoza, na siya namang ginamit sa nasabing validation. Kailangan na mai-presenta ang kopya ng passport, employment/work contract, o visa, proof of relationship sa OFW ng magki-claim, at filled-up RFA Form para ma-proseso ang validation.

Nagpahayag din ng suporta si G. Randele Bool, kinatawan ni Mayor Almero. โ€œWala man po sa piling niyo ang inyong mga kamag anak na OFWs, damang dama naman po natin ang pagmamahal ng ating gobyerno”.

#OFWNaman#MamburaoNaman#BayangMaipagmamalaki